Dear ______,
Ngayong araw na to ay wala nanuod lang ako ng, “The Back-up Plan” at kahit medyo awkward ang palabas na iyon, sobrang nakakarelate talaga ako dun kay Zoe. Natatakot kasi talaga ako kaya tuwing nag-aaway kaming dalawa lagi ko nalang sinasabi na, “IIWAN MO DIN AKO EH.” Parang I keep pushing him away from me para hindi na ganoon kasakit siguro kapag dumating na siguro sa panahon na iiwan na niya ako. Sobrang impossible kasi talaga na SIYA AT AKO, kaya siguro ayun na pinapaalis ko siya sa buhay ko kahit sobrang hirap mawala siya para sa akin kasi kung mangyari man ayun OA man sabihin pero parang ang hirap kayanin. Sobrang gusto ko talaga siya kasi siya lang yung taong pinapatawa ako ng sobra-sobra kahit wala siyang ginagawang kalokohan, siya lang yung lalakeng hindi ako naiilang kasama kumain kahit gaano ako kababoy kumain, siya yung kahit ano ang itsura ko mahal na mahal pa din ako at sasabihin pa din na ako ang pinakamagandang babaeng nakilala niya, na kahit alam niya na sa paligid niya sobrang dami pa pero hindi niya iyon nakikita. Siya yung taong komportableng-komportable talaga ako kapag kasama ko siya na napapakita ko siya kanya ang tunay na ako at walang problema sa kaniya, sobrang sweet niya din sakin at sobrang lambing, kaya nga masasabi ko talaga na sobrang swerte ko na nakatagpo ako ng isang tulad niya. Kaya siguro ayun every time na nag-aaway kame lagi ko siyang pinapalayo sa akin, natatakot kasi ako na he made me fall madly and deeply in love with him tas baka pagdating ng panahon iwan niya ko, sobrang sakit noon. Sa end ng palabas naging okay sila na naintindihan nila yung bawat isa, siguro ganoon din dapat samin.. alam ko mahabang panahon pa ang tatahakin naming dalawa, as in sobrang dami pang hardships and unforgettable memories.. alam ko kakayanin naming dalawa to. Minsan din kapag nag-aaway kame lagi nalang dumadating doon sa point na naiinis siya sa akin kasi hindi ako naniniwala na AKO lang ang mahal niya at wala ng iba, na ayun na lagi ko sinusumbat na, makakakita siya ng mas better at iiwan niya ko. Siguro pagkatapos ko mapanuod yung palabas, alam ko palabas lang siya pero sobrang nagets ko ang Lesson na pwede ko siyang i-apply sa buhay ko.. Kailangan ko din talaga magtiwala sa kaniya ng sobra na ako lang ang mahal niya at wala ng iba na pabayaan siya kung ano ang naisipan niyang ipakita at gawin upang maging maganda ang relasyon naming dalawa, TIWALA lang naman eh hindi yung pinapangunahan ko siya sa mga bagay-bagay at pansinin lahat, lahat naman siguro ng tinitigil niyang gawin o gusto niyang gawin ay may dahilan, kailangan ko lang siguro mag-tiwala sa kaniya na sobrang nag-effort din siya para sa aming dalawa hindi yung pinipilit kong ibalik ang hindi na dapat, ang mas importanteng isipin ay ang masasayang gagawin namin kinabukasan. Wala eh, eto na dumating na sa point na sinabi niya sakin na, “AYOKO NA, SAWA NA KO, LAGI NALANG GANITO.” Nung nasa bus kasi ako bago ako pumayag doon sa pahinga muna kaming dalawa, ang sabi ko sa kaniya, bibigyan ko nalang siya ng panahon para makapag-isip kahit ilang araw niyang gusto, tas saka na siya magdesisyon kung gusto niya pa o hindi na.. nakakainis lang na ayun pinapalayo ko siya pero.. eto natatakot talaga ako bigyan siya ng time para makapag-isip, paano kapag naisip niya na masaya na talaga siya na WALA na ako sa buhay niya? Habang ako hindi talaga? Anong gagawin ko dba? Sobrang sakit, at ayoko nalang hayaan na mangyari yun saming dalawa, kasi sa kaniya lang ako nakaramdam ng tunay, tunay na pagmamahal. Pero alam ko kailangan kong MAGTIWALA sa kaniya, hayaan muna siya.. kahit ngayon na miss na miss ko na siya, wala akong magawa.. gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihan na mahal ko siya paulit-ulit pero hindi ko man lang magawa, at pagkatapos noong tinanong ko siya, tinanong ko ule siya, “Mahal mo ba ko?” sabi niya, “OO” Siguro ayun nalang muna ang panghahawakan ko ngayon at mag-tiwala nalang talaga sa kaniya. Naalala ko din yung dumating na din sa point na ayaw na niya talaga, mga halos isang araw nga lang after ko noon mag-exam sa UE pinapunta niya ko sa bahay nila, sobrang saya nung naramdaman ko na iyon siguro ganoon nga kasarap sa pakiramdam yung tipong ramdam na ramdam ko talaga na kailangan niya ako, di bale sana ganoon din kapag nasa tamang panahon na din. Mag-aantay ako kasi, true love waits for the right moment. Hope for the best nalang!
Love,
Jee